Terms at conditions
Terms ng service ng customer para sa Rentalcars.com
Kasama ng Terms sa page na ito, may dalawa pang dokumento na bahagi ng kontrata namin sa iyo:
- Tutulungan ka ng aming page na Ano ang ginagawa namin na gamitin ang aming Platform at maunawaan ang aming reviews, rankings, mga rekomendasyon, paano kami kumikita, at iba pa.
- Tinutulungan kami ng aming Mga pamantayan at guideline ng content na panatilihing nauugnay at naangkop para sa aming global audience ang lahat ng nasa aming Platform, nang hindi nalilimitahan ang kalayaan sa pagpapahayag. Sinasabi nila sa iyo kung paano namin mina-manage ang content at kumikilos laban sa anumang hindi naaangkop.
Sa pamamagitan ng pagsang-ayon sa aming Terms, sumasang-ayon ka sa lahat ng nakapaloob sa tatlong dokumento. Kung hindi mo tinatanggap ang alinman sa Terms na ito, huwag gamitin ang aming Platform.
Mahalaga ang lahat ng impormasyong ito dahil (kasama ang iyong booking confirmation email, at anumang precontractual na impormasyon na ibinigay bago ka mag-book), itinatakda nito ang mga legal na term kung saan nag-aalok ang Mga Service Provider ng kanilang Mga Travel Experience sa pamamagitan ng aming Platform.
Kung nagkaroon ng problema sa Travel Experience mo, ipapaliwanag ng Section A13 ng Terms na ito kung ano ang puwede mong gawin tungkol dito. Kasama rito ang paggawa ng reklamo sa amin, pagpunta sa korte, at (sa ilang kaso) paggamit ng online na service sa paglutas ng dispute.
Kung gusto mong umapela ng moderation decision, o mag-report ng anumang content sa aming Platform, ipapaliwanag ng aming Mga pamantayan at guideline ng content kung paano ito gagawin, at kung paano namin pinamamahalaan ang mga request na ito.
Ang summary na ito ay hindi bahagi ng aming Terms, o legal na dokumento. Simpleng paliwanag lang ito ng aming Terms. Hinihikayat ka naming basahin nang buo ang bawat dokumento. May mga napakapartikular na kahulugan ang ilang salita sa summary na ito, kaya tingnan ang “Rentalcars.com dictionary” sa dulo ng Terms na ito.
A. General terms
- May napakapartikular na kahulugan ang ilang salita na makikita mo, kaya tingnan ang “Rentalcars.com dictionary” sa dulo ng Terms na ito.
- Kapag kinumpleto mo ang iyong Booking, tinatanggap mo ang Terms na ito at anumang ibang term na ibinigay sa iyo sa booking process.
- Kung nagpasya ang sinumang otoridad na labag sa batas ang ilan sa terms na ito, patuloy na ia-apply ang iba pang terms.
- Nakasulat ang Terms na ganito:
- Section A: General terms — tungkol sa aming Platform.
- Section B: Terms ng car rental — tungkol sa iyong Rental.
- Kung may anumang hindi pagkakatugma sa A at B, maga-apply ang Terms ng car rental.
- Ang English version ng Terms na ito ang original. Kung may dispute tungkol sa Terms, o anumang hindi magkatugma sa pagitan ng Terms sa English at ibang wika, ia-apply ang Terms ayon sa pagkasulat nito sa English, maliban kung iba ang inaatas ng lokal na batas. (Puwede mong baguhin ang wika sa itaas ng page na ito.)
- Ang Booking.com Transport Limited ay nagbibigay at ang responsable para sa Platform — hindi ang Travel Experience mismo (tingnan ang A4.4 sa ibaba).
- Nakikipag-partner kami sa mga kumpanyang nagbibigay ng mga local support service (halimbawa: customer support o account management). Hindi sila:
- nagkokontrol o nagma-manage ng aming Platform
- nagmamay-ari ng sariling Platform
- nagtataglay ng anumang legal o contractual relationship sa iyo
- nagbibigay ng Mga Travel Experience
- kumakatawan sa amin, o pumapasok sa kontrata o sa tumatanggap ng mga legal na dokumento sa aming pangalan
- nago-operate bilang aming “proseso o mga service agent”.
- Nakakakuha kami ng impormasyon mula sa Service Providers, at hindi namin masisiguradong tama ang lahat — pero kapag inilalaan ang aming Platform, nag-iingat kami at kumikilos nang may professional diligence. Maliban kung nabigo kaming gawin ito, o naging pabaya, hindi kami mananagot para sa anumang error, pagkaantala, o nawawalang bahagi ng impormasyon. Siyempre, gagawin namin ang lahat ng makakaya para itama/ayusin ang mga ito sa sandaling malaman namin ang mga ito.
- Palagi kaming nagsisikap para ma-improve ang experience ng aming mga customer sa Rentalcars.com. Kaya minsan, ipinapakita namin sa iba't ibang tao ang magkakaibang disenyo, parirala, product, at iba pa para malaman kung ano ang reaksyon nila. Dahil dito, maaaring hindi ka makakita ng ilang service o kondisyon kapag pinuntahan mo ang aming Platform.
- Hindi rekomendasyon o endorsement ng anumang Service Provider o ng mga product, service, facility, sasakyan, at iba pa nito, ang aming Platform.
- Hindi kami kasama sa terms sa pagitan mo at ng Service Provider. Ang Service Provider lang ang may responsibilidad sa Travel Experience.
- Ipapakita namin sa iyo ang mga offer na available sa iyo, sa (kung ano ang tingin naming) tamang wika para sa iyo. Puwede kang lumipat sa ibang wika kahit kailan mo gusto.
- Maliban na lang kung iba ang nakasaad, kailangang hindi ka bababa sa 18 taong gulang para gamitin ang Platform.
- Ikaw ay:
- susunod sa Ang aming values
- susunod sa lahat ng naaangkop na batas
- makikipagtulungan sa anumang anti-fraud/anti-money laundering check na kailangan naming gawin
- hindi gagamit ng Platform para manggulo o gumawa ng mga pekeng Booking
- gagamit ng Travel Experience at/o Platform para sa nakatakdang layunin nito
- hindi magdudulot ng anumang panggugulo o damage, at hindi kikilos sa hindi naaangkop na paraan sa mga tauhan ng Service Provider (o sinumang iba pa).
- Kapag gumawa ka ng Booking, sumasang-ayon kang bayaran ang halaga ng Travel Experience, kabilang ang anumang charge at tax na maaaring i-apply.
- Maaaring na-round off sa pinakamalapit na whole number ang ilang presyong maaaring makita mo. Ibabatay ang presyong ibabayad mo sa original na presyong “hindi naka-round off” (kahit napakaliit lang ng mismong pagkakaiba).
- Walang bisa ang mga halatang pagkakamali at halatang maling print. Halimbawa: kung nag-book ka ng premium car na hindi sinasadyang inalok na EUR 1, maaaring ma-cancel ang booking mo at ire-refund namin ang anumang binayaran mo.
- Ipinapahiwatig ng naka-cross out na presyo ang presyo ng like for like Booking na walang in-apply na pagbabawas ng presyo (nangangahulugan ang “like for like” na parehong date, parehong policy, parehong quality ng sasakyan, at iba pa).
- 1
- Kung isasaayos namin ang payment mo, may responsibilidad kami (o, sa ilang kaso, ang aming affiliate) para sa pag-manage ng payment mo at siguruhing makukumpleto ang iyong transaction sa aming Service Provider. Sa pagkakataong ito, itinuturing ang iyong payment bilang huling settlement ng “due at payable” na presyo.
- Kung icha-charge ka ng Service Provider, karaniwan itong sa personal at sa simula ng iyong Travel Experience.
- Hindi ito makakaapekto sa mga karapatan mo kung magkaroon ka ng anumang problema sa Travel Experience mo — tingnan ang “Paano kung magkaproblema?” (A13).
- Kung ang iyong payment method ay denominasyon sa currency* na iba sa currency sa pagbayad, ang iyong bangko o payment method provider (o ang kanilang mga payment service provider) ay maaaring mag-charge sa iyo ng mga karagdagang fee. Halimbawa, maaaring mangyari ito kung nasa Euros ang iyong credit card pero sa dollar ka icha-charge ng iyong car rental company. Kung mangyayari ito, ipapaalam namin sa iyo ito sa booking process.
- * Tumutukoy lang ito sa default currency ng iyong payment method.
- Kung may alam ka o pinaghihinalaang anumang mapanlinlang na gawi o walang pahintulot na paggamit ng iyong Payment Method, makipag-ugnayan sa iyong payment provider sa lalong madaling panahon.
- Kapag gumawa ka ng Booking, tinatanggap mo ang naaangkop na mga policy ayon sa ipinapakita sa proseso ng pag-book. Makikita mo ang bawat cancellation policy at iba pang policy ng Service Provider (tungkol sa mga kinakailangan sa edad, security/damage deposit, pet, tinatanggap na card, at iba pa) sa aming Platform: sa mga page ng impormasyon ng Service Provider, sa proseso ng pag-book, sa fine print, at sa confirmation email o voucher (kung naaangkop).
- Kung mag-cancel ka ng Booking o hindi ka sumipot, dedepende sa cancellation/no-show policy ang anumang cancellation/no-show fee at refund.
- Hindi puwedeng i-cancel nang walang bayad ang ilang Booking, habang puwede lang i-cancel nang libre ang iba bago ang deadline.
- Kung sa tingin mong hindi ka makakarating sa tamang oras, makipag-ugnayan sa iyong Service Provider at sabihin sa kanila kung kailan ka darating. Responsibilidad mong siguruhin na nasa oras ka — at kung hindi ka makakarating, hindi kami mananagot para sa anumang nauugnay na gastos (halimbawa: ang cancellation ng iyong Booking, o anumang fee na maaaring i-charge ng Service Provider).
- Bilang taong gumagawa ng Booking, may responsibilidad ka para sa mga aksyon at pag-uugali (kaugnay ng Travel Experience) ng lahat ng tao sa grupo. May responsibilidad ka rin para sa pagkuha ng kanilang pahintulot bago ibigay sa amin ang kanilang personal data.
- Tingnan ang Privacy statement ng Rentalcars.com at Cookie statement ng Rentalcars.com para malaman kung paano namin pinoproseso ang iyong personal data.
- Kung mayroon kang anumang accessibility request:
- tungkol sa aming Platform at/o mga service, kontakin ang aming Customer Service team
- tungkol sa iyong Travel Experience (halimbawa: tungkol sa pag-access sa wheelchair), kontakin ang iyong Service Provider.
- Kung bumili ka ng insurance sa pamamagitan ng aming Platform, tingnan ang (mga) policy document para sa terms at karagdagang impormasyon. Hindi ia-apply ang Terms na ito sa insurance.
- Maliban na lang kung iba ang nakasaad, pag-aari ng Booking.com Transport Limited (o mga licensor nito) ang lahat ng karapatan sa aming Platform (technology, content, mga trademark, itsura at dating, at iba pa) at sa pamamagitan ng paggamit ng aming Platform, sumasang-ayon kang gamitin lang ito para sa nakatakdang layunin nito at respetuhin ang mga kahilingang nakasaad sa ibaba sa paragraph A12.2 at A12.3.
- Hindi ka pinapayagang i-monitor, kopyahin, i-scrape/i-crawl, i-download, i-reproduce, o gamitin ang anumang nasa Platform namin para sa anumang commercial purpose nang walang nakasulat na pahintulot ng Booking.com Transport Limited o mga licensor nito.
- Binabantayan naming mabuti ang bawat pagpunta sa aming Platform, at iba-block namin ang sinumang (at anumang automated system na) pinaghihinalaan naming:
- gumagawa ng hindi makatuwirang dami ng search
- gumagamit ng anumang device o software para mangalap ng mga presyo o ibang impormasyon
- gumagawa ng anumang bagay na naglalagay ng lubhang stress sa aming Platform.
- Sa pamamagitan ng pag-upload ng review sa aming Platform, kinukumpirma mo na natutugunan nito ang Mga pamantayan at guideline ng content at na:
- totoo ito
- wala itong anumang virus
- maaari mo itong ibahagi sa amin
- pagmamay-ari mo (o pinapayagan kang gumamit) ng anumang intellectual property right na nilalaman nito
- pinapayagan kaming gamitin ito sa aming Platform at para sa anumang iba pang commercial purpose (kasama ang marketing at advertising), sa anumang media, sa buong mundo — maliban kung hihilingin mo sa amin na ihinto ang paggamit nito
- hindi ito lumalabag sa privacy rights ng ibang tao
- tinatanggap mo ang buong responsibilidad para sa anumang legal na claim laban sa Booking.com Transport Limited na nauugnay dito.
- Kung may tanong o reklamo, kontakin ang aming Customer Service team. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng pag-access sa Booking mo o sa app namin, o sa pamamagitan ng aming Help Center (kung saan makakahanap ka rin ng ilang makabuluhang FAQ). Para matulungan ka namin sa lalong madaling panahon, ibigay ang:
- Booking confirmation number mo, contact details, PIN code (kung mayroon ka nito), at email address na ginamit mo noong ginawa mo ang iyong Booking
- summary ng issue, kasama na kung paano ka namin matutulungan
- anumang supporting document (bank statement, pictures, receipts, at iba pa)
- Naka-record ang lahat ng tanong at reklamo, at itinuturing na highest priority ang pinaka-urgent.
- Kung residente ka ng Czech Republic at hindi ka masaya sa paraan kung paano namin tinugunan ang iyong reklamo, puwede kang magreklamo sa Czech Trade Inspection Authority - Central Inspectorate, ADR Department, registered office Štěpánská 15, Prague 2, postal code: 120 00, email: adr@coi.cz, https://www.coi.cz/informace-o-adr/.
- Kung residente ka ng Brazil at hindi ka masaya sa paraan kung paano namin tinugunan ang iyong reklamo, puwede kang magreklamo sa pamamagitan ng Brazilian Federal Consumer Dispute Resolution Platform consumidor.gov.br.
- Sinusubukan naming direktang lutasin ang lahat ng dispute sa iyo, at wala kaming obligasyon na magpasa sa anumang alternative dispute resolution procedure na pinapamahalaan ng mga independent provider.
- Maaari mo ring dalhin ang mga legal na paglilitis sa may kakayahan na korte — tingnan ang “Naaangkop na batas at forum” (A17) para sa detalye.
- Maaari ka naming tulungang makipag-ugnayan sa iyong Service Provider, pero hindi iyon nangangahulugan na inaako namin ang responsibilidad para sa Travel Experience o anumang bagay na ginagawa/hindi ginagawa ng Service Provider. Hindi namin masisigurado na babasahin nila ang anumang mula sa iyo o gagawin nila ang hinihiling mo. Ang pakikipag-ugnayan mo lang sa kanila o ang kanilang pagkontak sa iyo ay hindi ibig sabihin na may anumang batayan ka para sa legal na aksyon. Kung kailangan mo ng tulong, kontakin kami sa pamamagitan ng aming Help Center.
- Kung nilabag mo ang Terms na ito (pati na ang aming values at aming Mga pamantayan at guideline ng content o hindi ka sumunod sa mga naaangkop na batas o regulasyon, may karapatan kaming:
- pigilan kang gumawa ng anumang Booking,
- i-cancel ang anumang Booking na nagawa mo na
- pigilan ka sa paggamit ng:
- aming Customer Service
- aming Platform,
- Kung na-cancel namin ang Booking bilang resulta, maaaring hindi ka (depende sa mga pangyayari) makakatanggap ng refund. Maaaring sabihin namin sa iyo kung bakit na-cancel namin ang iyong Booking, maliban na lang kung ang pagsasabi sa iyo ay (a) lalabag sa mga naaangkop na batas at/o (b) pipigilan o hahadlangan ang pagtuklas o pagpigil ng panloloko o ibang iligal na activity. Kung naniniwala kang nagkamali kami sa pag-cancel ng Booking mo, makipag-ugnayan sa aming Customer Service team.
- Wala sa Terms na ito ang maglilimita sa aming (o ng Service Provider) pananagutan (i) kapag kami (o sila) ay nagpabaya at humantong ito sa kamatayan o personal injury; (ii) sa kaso ng panloloko o fraudulent misrepresentation; (iii) may kaugnayan sa gross negligence o willful misconduct; o (iv) kung ang naturang pananagutan ay puwedeng hindi malimitahan o maisama ayon sa batas.
- Kung lumalabag ka sa Terms na ito at/o sa Terms ng Service Provider, hindi kami mananagot para sa anumang gastos na iyong natamo bilang resulta nito.
- Hindi kami mananagot para sa:
- anumang pagkalugi o pagkasira na mauunawaang hindi inaasahan noong ginawa mo ang iyong Booking o kung hindi man ay noong pumasok sa Terms na ito; o
- anumang pangyayari na mauunawaang hindi namin kontrolado.
- Hindi kami gumagawa ng anumang pangako tungkol sa products at services ng mga Service Provider maliban sa kung ano ang tahasang nakasaad sa Terms na ito, halimbawa sa Section A4.
- Sa hangganang pinapayagan ng batas, ang pinakamalaking halaga na pananagutan namin (o ng anumang Service Provider) (para man sa isang pagkakataon o serye ng mga konektadong pagkakataon) ay ang iyong mga makatuwirang inaasahang pagkalugi o pinsala kaugnay ng iyong (mga) Booking.
- Para maging malinaw, ang Terms na ito ay sa pagitan mo at namin: Wala sa Terms na ito ang magbibigay ng anumang karapatan sa sinumang ibang third party maliban sa Service Provider.
- Maaaring protektado ka ng mandatory na batas at regulasyon para sa proteksyon ng consumer, na magsisiguro ng iyong mga karapatan na hindi puwedeng ipawalang-bisa ang terms ng alinmang kumpanya. Kung mayroong anumang hindi pagkakapare-pareho sa pagitan ng mga batas at regulasyong iyon at sa Terms na ito, mao-override ang naturang mandatory na mga batas at regulasyon sa proteksyon ng consumer.
- Pinamamahalaan ang Terms na ito ng English na batas. Puwede ka ring umasa sa iyong pambansang batas para sa consumer, kung consumer ka na naninirahan sa bansa sa European Economic Area, UK, o Switzerland (“Europe”). Kung isa kang consumer na naninirahan sa labas ng Europe, sa hangganang pinahihintulutan ng mandatory na local (consumer) na batas, ang Terms na ito ay pinamamahalaan ng English na batas.
- Kung isa kang consumer na naninirahan sa Europe (tulad ng tinukoy sa itaas):
- Maaari kang maghain ng legal na aksyon laban sa amin:
- sa mga korte ng bansa kung saan ka nakatira, o
- sa mga korte ng England at Wales.
- Maaari kaming maghain ng legal na aksyon laban sa iyo sa mga korte ng bansa kung saan ka nakatira.
Kung ikaw ay consumer na naninirahan sa labas ng Europe, sa hangganang pinahihintulutan ng mandatory na local (consumer) na batas, ang anumang dispute ay eksklusibong ipapasa sa korte sa England at Wales.
- Kung:
- pagkatapos pumili at magbayad para sa travel service, nag-book ka ng mga karagdagang travel service para sa iyong trip o holiday sa parehong pagbisita sa Platform; o
- mag-book ka ng mga karagdagang travel service para sa iyong trip o holiday sa pamamagitan ng link na ibinigay namin sa iyo nang hindi lalampas sa 24 oras pagkatapos matanggap ang confirmation ng iyong unang Booking sa amin,
- HINDI mo mapapakinabangan ang mga karapatang ina-apply sa mga package sa ilalim ng Directive (EU) 2015/2302 ng EU o ng Package Travel and Linked Travel Arrangements Regulations 2018 ng UK (kapag magkasama, ang “Package Travel Requirements”). Kaya naman, wala kaming responsibilidad para sa wastong performance ng mga travel service na iyon. Kung magkakaproblema, kontakin ang nauugnay na Service Provider.
- Sa alinman sa mga pagkakataong iyon, magiging bahagi ang mga travel service na iyon ng nauugnay na travel arrangement at hindi ng package. Sa ganitong sitwasyon, may nakalaang proteksyon, tulad ng ipinag-uutos ng EU at UK law, na i-refund ang mga ibinayad mo sa amin para sa mga service na hindi nagawa dahil sa aming insolvency. Tandaang hindi ito nagbibigay ng refund sa kaganapang nawalan ng kakayahang magbayad ang nauugnay na Service Provider.
- Kusang-loob naming na-extend ang insolvency protection na ito sa mga customer sa labas ng EU at UK na nag-book ng iba’t-ibang travel service sa pamamagitan ng aming Platform na binubuo ng Linked Travel Arrangements ayon sa kahulugan ng Package Travel Requirements. Na-apply lang ang extension na ito sa mga payment na natanggap namin.
- May insolvency protection kami sa pamamagitan ng bank guarantee sa Deutsche Bank na pinangangasiwaan ng Sedgwick International UK para sa anumang pera na direktang ibinayad sa amin.
- Maaaring makipag-ugnayan ang mga traveler sa Sedgwick International UK kung tinanggihan ang mga service dahil sa aming insolvency.
- Tandaan: Hindi sakop ng insolvency protection na ito ang mga kontrata sa iba pang party maliban sa amin, na magagawa sa kabila ng aming insolvency.
- Tingnan ang Directive (EU) 2015/2302 na inilipat sa pambansang batas sa European Union o sa United Kingdom.
- Maaari kaming gumawa ng mga pagbabago sa Terms na ito. Kung maaari ang mga naturang pagbabago, ipapaalam namin sa iyo nang maaga ang mga naturang pagbabago kung kailan magkakabisa, maliban kung ang mga pagbabago ay kinakailangan ng naaangkop na batas.
- Kung hindi mo tinatanggap ang mga pagbabago, huwag gamitin ang aming Platform.
- Kung hindi, bubuuin ng iyong patuloy na paggamit ng aming Platform pagkatapos ng effective date ng mga iminungkahing pagbabago ang iyong pagtanggap sa binagong Terms.
- Patuloy na pamamahalaan ng anumang umiiral na Booking ang Terms na ini-apply noong ginawa ang Booking.
B. Terms ng car rental
- Ang Platform na ito ay pinapatakbo ng Booking.com Transport Limited. Naka-register ang company sa England at Wales (Number: 05179829) sa sumusunod na address: 6 Goods Yard Street, Manchester, M3 3BG, United Kingdom. VAT number: GB 855349007. Nangangahulugan ito na tinatanggap mo na ang proseso ng paggawa ng Booking sa Booking.com Transport Limited ay pinamamahalaan ng Terms na ito — bagama't ang iyong mismong Rental ay pamamahalaan ng Rental Agreement kasama ang
- Kapag nag-book ka ng Rental, ang Booking mo ay puwedeng (a) sa amin o (b) direkta sa Service Provider (ang car rental company na naglalaan ng sasakyan). Sa alinmang pagkakataon:
- pinapamahalaan ng aming Terms ang booking process; kapag ipinadala namin sa iyo ang Booking Confirmation mo, pumapasok ka sa kontrata kasama namin
- pinapamahalaan ng Rental Agreement ang Rental mismo; kapag pinirmahan mo ito sa rental counter, pumapasok ka sa kontrata kasama ng Service Provider (pero makikita at tatanggapin mo ang key terms nito habang binu-book mo ang iyong sasakyan).
- Sa karamihan ng mga pagkakataon, makukuha mo kaagad ang Booking Confirmation mo kapag nakumpleto mo ang iyong Booking — pero kung hindi agad ma-confirm ng Service Provider ang iyong Rental, hindi namin kukunin ang payment o hindi kami magpapadala ng iyong Booking Confirmation hangga’t ‘di nila ito nagagawa.
- Kung mayroong anumang hindi magkatugma sa pagitan ng Terms na ito at ng Rental Agreement, ia-apply ang Rental Agreement.
- Ang Main Driver (ang taong inilagay ang mga detalye sa proseso ng booking) ay ang tanging tao na puwedeng magbago o mag-cancel ng Booking, o tumalakay nito sa amin — maliban kung sasabihin nila sa amin na magmumungkahi sila ng ibang tao para gawin ito.
- Naglalaan kami ng Platform kung saan mapo-promote at mabebenta ng mga Service Provider ang kanilang mga Travel Experience — at mahahanap, makukumpara, at mabu-book mo ang mga ito.
- Hindi namin masisigurado ang mismong brand at model na binu-book mo (maliban na lang kung tahasan namin itong sabihin). Ibig sabihin ng phrase na “o kapareho”, maaari kang makakuha ng katulad na sasakyan (halimbawa: parehong size, na may parehong uri ng gearbox, at iba pa). Kaya, para lang sa mga layunin ng paglalarawan ang mga picture ng sasakyan.
- Kapag na-book mo na ang iyong Rental:
- ibibigay namin sa Service Provider ang detalye ng Booking (halimbawa: ang pangalan ng Main Driver at contact number)
- kino-confirm namin ang impormasyon ng Pick-up (halimbawa: contact details ng Service Provider, at kung ano ang kailangan mong dalhin).
- Dapat mong ibigay ang lahat ng impormasyong kailangan para ayusin ang Booking mo (contact details, oras ng pick-up, at iba pa).
- Dapat mong basahin at dapat kang sumang-ayon sa Terms na ito at sa Rental Agreement — at kilalanin na kapag nilabag mo ang mga ito:
- maaaring kailangan mong magbayad ng karagdagang charge
- maaaring i-cancel ang iyong Booking
- maaaring tumanggi ang counter staff na ibigay ang susi sa rental counter.
- Dapat mong tingnan ang mga partikular na requirement ng iyong Rental, dahil maraming detalye (mga driver’s license requirements, laki ng security deposit, kinakailangan papeles, tinatanggap na payment card, at iba pa) ang nag-iiba kada Rental. Kaya siguraduhing maingat mong babasahin ang:
- Terms na ito
- key terms ng Rental Agreement, na makikita mo habang nagbu-book ka, at
- ang Rental Agreement mismo, na matatanggap mo sa Pick-up.
- Dapat nasa rental counter ka na bago ang iyong Oras ng Pick-up (tandaan na may pick-up “grace period” ang ilang Service Provider kung sakaling maantala ka). Kung dumating ka pagkatapos ng Oras ng Pick-up (at pagkatapos ng pick-up grace period, kung mayroon), maaaring hindi na available ang sasakyan, at maaaring hindi ka na mare-refund ng Service Provider. Tingnan ang Rental Agreement para sa karagdagang impormasyon (habang nagbu-book ka ng iyong sasakyan, lagyan ng check ang “Mahalaga
- Ipinapaalam sa iyo ng key terms ng iyong Rental kung ano ang kailangan ng Main Driver sa pick-up. Dapat mong siguruhin na kapag dumating sila sa rental counter, dala niya ang lahat ng kailangan (halimbawa: driver’s license, anumang kailangang ID, at credit card na nasa pangalan niya, na may sapat na pondo para mabayaran ang security deposit).
- Dapat mong siguruhing eligible at may kakayahan ang Main Driver para magmaneho ng sasakyan.
- Dapat mong ipakita sa staff sa counter ang buo at valid na driver’s license ng bawat driver, na dapat hawak na nila nang ‘di bababa sa isang taon (o mas matagal, sa karamihan ng pagkakataon). Kung mayroong mga endorsement/point ang sinumang driver sa kanyang license, ipaalam sa amin ito sa sandaling malaman mo ito, dahil maaaring hindi sila payagan ng Service Provider na magmaneho.
- Dapat mong siguruhin na ang sinumang driver na may driver’s license mula sa England, Scotland, o Wales ay kukuha ng license “check code” nang hindi hihigit sa 21 araw bago ang Pick-up.
- Dapat mong siguraduhing ang bawat driver ay may sariling International Driving License (kung kailangan nila ito) at pati na ang kanilang driver’s license. Tandaang dapat dala ng lahat ng driver ang kanyang driver’s license (at International Driving License, kung kailangan nila ito) sa lahat ng oras.
- Dapat mong siguraduhing may naaangkop na child seat ang bawat bata kung kailangan nila nito.
- Dapat kang, kung magkaproblema sa panahon ng iyong Rental (aksidente, masiraan, at iba pa):
- kontakin ang Service Provider
- hindi mag-authorize ng anumang repair nang walang pahintulot ng Service Provider (maliban kung pinapayagan ito ng Rental Agreement)
- magtabi ng lahat ng dokumento (mga repair bill, police report, at iba pa) para ibahagi sa amin/sa Service Provider/insurance company.
- Sa karamihan ng pagkakataon, magcha-charge ang Service Provider ng young driver fee para sa bawat driver na wala pa sa partikular na edad (halimbawa: 25). Sa ilang pagkakataon, maaaring mag-charge sila ng senior driver fee para sa bawat driver na lampas sa partikular na edad (halimbawa: 65). Kapag nagbu-book sa aming Platform, dapat mong ilagay ang edad ng Main Driver, para maipakita namin sa iyo ang detalye ng anumang fee na may kaugnayan sa edad — na babayaran mo sa Pick-up.
- Sa karamihan ng pagkakataon, magcha-charge ang Service Provider ng one-way fee kung ibabalik mo ang sasakyan sa ibang lokasyon. Kung binabalak mong gawin ito, kailangan mong ilagay ang lokasyon ng drop-off habang nagbu-book, para masabi namin sa iyo kung posible ito, at ipakita sa iyo ang detalye ng anumang one-way fee — na babayaran mo sa oras ng Pick-up.
- Sa karamihan ng pagkakataon, magcha-charge ang Service Provider ng cross-border fee para sa pagdala ng sasakyan sa ibang bansa/estado/isla. Kung binabalak mong gawin ito, napakahalagang sabihin mo ito sa amin at/o sa Service Provider sa lalong madaling panahon (dapat bago ang pick-up).
- Ang presyo ng iyong Rental ay na-calculate batay sa mga 24 oras na unit, kaya (halimbawa) ang 25 oras na Rental ay magkakahalaga din tulad ng 48 oras na Rental.
- Kung, pagkatapos ng Pick-up, magpasya kang gustong mong gamitin pa nang mas matagal ang sasakyan, kontakin ang Service Provider. Ipapaalam nila sa iyo kung magkano ang gastos para dito, at papasok ka sa bagong kontrata kasama nila. Kung i-drop off mo ang sasakyan nang late na walang paunang pagsang-ayon tungkol dito, maaari ding silang mag-charge ng karagdagang fee.
- Sa ilang pagkakataon, magbabayad ka para sa anumang optional extra (child seats, GPS, winter tires, at iba pa) kapag nag-book ka ng iyong sasakyan — at sa pagkakataong ito, masisigurong makukuha mo ang mga ito sa Pick-up.
- Sa ibang pagkakataon, hihingin lang sa iyo ang anumang extra kapag nag-book ka ng sasakyan mo — at sa pagkakataong ito:
- magbabayad ka para sa mga ito sa Pick-up, at
- hindi masisigurado ng Service Provider na magiging available ang mga ito para sa iyo.
- Hinihigitan at nilalampasan namin ang aming mga legal na obligasyon. Kahit na hindi hinihingi ng mga lokal na batas na mag-alok kami ng ilang partikular na karapatan sa cancellation, masisiguro naming susundin ang aming refunds policy kung i-cancel mo ang iyong Booking.
- Ang mga sumusunod na terms ng “Mga cancellation at amendment” ay maga-apply sa lahat ng Booking bukod sa mga Booking na naka-label na “non-refundable” (hindi mo maaaring baguhin ang hindi refundable na Booking, at hindi ka makakatanggap ng refund kung ika-cancel mo ito).
- Kung mag-cancel ka nang:
- HIGIT SA 48 oras bago magsimula ang iyong Rental, makakatanggap ka ng buong refund.
- WALA PANG 48 oras bago magsimula, o habang nasa Rental counter ka, ire-refund namin ang binayaran mo pero ibabawas ang tatlong araw ng iyong Rental — kaya wala nang refund kung na-book ang sasakyan mo para sa tatlong araw o mas mababa.
- PAGKATAPOS magsimula ng iyong Rental (o hindi ka lang sumipot), wala kang matatanggap na refund.
- Maaaring tumanggi ang counter staff na ibigay sa ‘yo ang sasakyan kung (halimbawa):
- Hindi ka dumating sa tamang oras
- Hindi ka eligible na magrenta ng sasakyan
- Wala sa ‘yo ang dokumentong kailangan mo
- Wala sa sariling pangalan ng main driver ang credit card, na may sapat na available na pondo para sa security deposit ng sasakyan.
Para sa higit pa sa mga patakaran ng iyong Service Provider, sumangguni sa “Mahalagang Impormasyon” na available habang nagbu-book — o ang Rental Agreement na pinirmahan mo sa counter.
Kung tatanggihan ka nila ng sasakyan, tawagan kami kaagad mula sa rental counter para i-cancel ang iyong Booking, at ire-refund namin ang binayaran mo, na binawas ang halaga ng tatlong araw ng iyong Rental. Kung hindi mo ito gagawin, magiging buong halaga ng iyong Rental ang cancellation fee — maliban kung mapatunayan mo na mas kaunti kaysa doon ang nagastos namin sa sitwasyong ito.
- Makakagawa ka ng mga pagbabago sa Booking mo anumang oras bago mo dapat i-pick up ang sasakyan.
- Kadalasan, pinakamadali itong magagawa sa aming app — o aming website (sa ilalim ng “I-manage ang booking”).
- Walang administration fee para sa pagbabago ng Booking mo, pero maaaring maapektuhan ng anumang pagbabagong gagawin mo ang presyo ng rental. Minsan, ang tanging paraan para mabago namin ang Booking ay i-cancel ito at gumawa ng bago, at sa pagkakataong ito maaaring i-charge ka namin ng cancellation fee sa ngalan ng car rental company.
- Kung magbabago ang presyo o magkakaroon ng cancellation fee dahil sa pagbabago ng Booking mo, sasabihan ka namin nang maaga.
- Kung kailangan namin/ng Service Provider na baguhin ang Booking mo (halimbawa: kung hindi maibigay ng Service Provider ang sasakyan), sasabihin namin kaagad sa iyo sa lalong madaling panahon. Kung hindi mo tatanggapin ang pagbabagong iyon, may karapatan kang mag-cancel at mag-claim ng buong refund (gaano man ito kalapit sa simula ng iyong Rental) pero hindi kami magkakaroon ng karagdagang pananagutan para sa anumang direkta o hindi direktang gastos na makukuha mo (halimbawa: mga hotel room o taxi).
- Sa lahat ng pagkakataon, dapat hindi bababa sa minimum na edad para magrenta o magmaneho ng sasakyan ang mga driver. Sa ilang pagkakataon, dapat mas mababa rin sila sa maximum na edad. Maaaring magbago ang (mga) limitasyon batay sa Service Provider, ayon sa lokasyon at uri ng sasakyan.
- Ang mga eligible driver na may mga pangalang makikita sa Rental Agreement lang ang puwedeng magmaneho ng sasakyan.
- Hindi mo dapat dalhin ang sasakyan sa ibang bansa/state/island at/o ibalik ito sa ibang lokasyon nang hindi ito inaayos nang maaga.
- Kung kukunin mo ang iyong sasakyan nang mas late (tingnan ang B3.4 sa itaas) o ibalik ito nang mas maaga sa pinagkasunduang oras sa iyong Booking Confirmation, hindi magre-refund ang Service Provider para sa “hindi nagamit” na oras.
- Para sa impormasyon sa mga review, ranking, paano kami kumikita (at iba pa), tingnan ang Ano ang ginagawa namin, na bahagi rin ng aming Terms.